Saturday, November 11, 2006

Johor Bahru-bal

Pagkagaling namin ni B sa Bintan, we decided na dumerecho sa Johor Bahru, Malaysia, for more tatak sa passport. Excited kami pareho pero biglang nawala yun pagdating namin doon.

Nagbus kami from Bugis to Johor Bahru. Mga less than an hour lang ata ang byahe. Okay naman, di naman matraffic. Wala naman naging prublema sa immigration ng Singapore.

Pagdating namin ng JB, aba't nagulat ako at dilapidated ang immigration office! Ang panget, ang dumi! Medyo ok pa ang lumang NAIA ha. Basta, dingy. Ang pangit pa ng lighting. So nag-fill-out kami ng arrival card at pumila sa immigration officer.

Abat, at naghigpit-higpitan pa! Akala yata ay magpapaextend lang ako ng visit pass sa SG kaya ako mageexit ng JB. Nakakatakot, pinalipat pa ako sa kabilang immigration officer! Pinasamahan ako ng officer kay bebe since he was taking me to JB daw.

Ok naman sa kabilang immigration officer (mukhang mas senior ito sa nauna). Tiningnan ang ticket ko pabalik ng Manila at siniguradong eexit ako sa JB. Tinanong hanggang kelan daw kami, sabi ko aalis din kami after a few hours. Okay daw. Make sure I leave JB daw.

Potah, eh sino ba naman maeenganyo magstay dun eh parang Alabang lang naman? Hindi Town Center ha, Alabang Metropolis area!!! Ganon ang dating, palawakin mo lang kalsada at gawin mong Malay ang mga tao. Ang panget! Ang dumi! Sobrang walang binatbat sa kapitbahay nitong Singapore na squeaky clean and organized. Nakakadisappoint.

Pagdating namin ng mall ni B (na siyang tanging pakay lang namin), may bayad ang CR. So kahit nawiwiwi na kami pareho, kinailangan namin magpapalit muna ng SGD to rupiah. Ahahay! Naghanap pa kami. Yung pinagtanungan pa namin, di nakakaintindi ng Ingles!

Buti nakakita kami sa loob ng mall. Nagtanong na rin kami kay ate kung san pwede magdinner. May food court daw sa taas. Ok, salamat.

After mag-CR, dumerecho kami sa taas para kumain. Medyo nalost pa kami kasi di namin naintindihan kung anong floor ang food court. Familiar naman ang food, karamihan meron din sa SG.

Pagkakain, sibat na kami. Nakakamiss ang Singapore!

Sa immigration ng JB, narecognize pa kami nung isang officer. Kami daw yung kanina. Sabi ko yes. Sabi ko di ba, aalis din kami kagad? Haler?! Ang panget dito!

Pumila kami sa bus at nagumpisa ng journey pabalik sa malinis na SG. Sa SG immigration, narecognize din ako ng officer. Sabi niya, do you recognize me? Sabi ko yes. Hehe. Tatak ng 14 days ulet, which was useless since I was leaving for Pinas the following evening.

Hay. Grabe. Three countries in a day! Indonesia, Singapore, Malaysia. Kapagod. Worth it naman, kahit na nakakabuyset lang sa JB. At least alam ko na kahit malapit ka sa first world country, hindi necessarily magrurub-off sa'yo ang pagka-first-world. Hehe.

Sana lang mahiya naman ang Malaysia noh. Entry point ang JB and they should do something para di maturn off ang tourists doon.

2 comments:

Reden said...

In fairness to Malaysia, ibang iba naman daw sa KL. So next time, KL naman tayo lumarga, or sa Genting... or maybe Bali since favorite natin ang mga Indonesians na palangiti... na parang Pinoy. :)

nice said...

ok sa Genting, but not as clean as SG. pero malamig!