Saturday, November 11, 2006

B for Bintan!

Last week, B and I went to Bintan, Indonesia for some R&R&B.

Day 1

Here we are sa Tanah Merah Ferry Terminal. We woke up 5am para makarating ng maaga sa terminal at hindi ma-late. We had to pass through immigration pa kasi and baka magtagal. Super aga namin kaya naabutan pa namin ang ferry ng 8:05. Ang ferry namin was to depart 9 something pa.


After less than hour, nakarating na kami sa Bintan. Parang Supercat lang yung sinakyan namin and medyo maalon so hilo-ish ako pagdating. Pero pagkita ko sa sign na nasa ibang country na ako, happiness! Tanggal ang byahilo!
We rode a bus going to Nirwana Gardens Resort Hotel. Doon kami magsestay. Nakakatuwa nung sinalubong kami nito:


Buti na lang pinayagan kami mag check-in ng maaga sa hotel room namin at may bonus pa! Inupgrade kami sa De Luxe room! Astig!
After makapahinga ng kaunti, pumunta kami ni baby sa Pasar Oleh Oleh, isang mini village na a couple of minutes away from the resort. Meron doong mga tindahan ng souvenirs tsaka restaurants so nagdecide kami na doon na kumain. Para makamura din. Hehe. Umuulan nung dumating kami sa POO. Kainis, wala pa naman kaming dalang payong. Pero di namin inalintana ang ulan at tumakbo sa kung saan pwede kami kumain. We found Cafe Helo Helo. Hehe. Kaso puno na. Pero ang bait ng waiters nila at pinagset-up kami ng table sa may stage sa gitna ng POO! Winner!


Tawa ng tawa ang waiter namin na si Adi. Mukhang first time ata nangyari ito sa history nila. Haha. Tas pati mga turista, tingin nang tingin. Siguro isip nila VIP kami at dun pa kami pinagset-up ng table sa gitna. Hahaha.
Dahil uber gutom na kami, umorder kami ng madami. Hehe.


Ito kinain namin: Nasi Goreng (Indonesian fried rice), Kalasan fried chicken (uber sarap, naging favorite kong kainin. manamisnamis na maanghang na maasimasim na crispy!) at Kangkong in Garlic (uber mahal na napahiya ako kay bebe at umorder ako. Imagine, S$7=P210!!!).


For more katakawan, nagorder pa kami ng chicken satay. Yum! IMO, mas masarap ang satay sa Bintan kesa sa Singapore. Mas malasa.


At ito ang nakapagparumble sa tiyan ni bebe, ang Oleh Oleh shake. Gawa to sa tomato, orange and isa pang fruit na di ko maalala. Di masarap. Hehe. Pero pwede na.
After maglunch, nagikot-ikot kami para maghanap ng mabibili. I was able to buy a small, wooden, hand-painted elephant for mader and a sun-shaped mirror na hand-painted din for me! Dagdag sa aking sun collection. Ang dami ko pang gustong bilhing stuff kaso ang mahal. Dami dun batik na authentic tsaka gusto ko rin sana ng suri na pangdisplay sa house. Next time na lang. Ito kami after an hour:


Habang naghihintay sa shuttle pabalik ng Nirwana, nagpapicture muna kami. May nagvolunteer na mama eh. Hehe. Di namin alam may maitim na balak pala siya.

Aalukin niya pala kaming pumunta sa Angsana Resort & Spa at icoconvince kami na magmember! Nagflashback sa akin ang Family First experience! Haha. Tinanggihan namin ni B pero sobrang hirap.

Persistent si manong eh tapos may offer pa na pag nagspend kami ng oras sa resort eh bibigyan kami ng voucher para sa libreng stay sa Angsana sa Phuket! Tempting pero di na kami makakabeach so di na namin kinagat. Anyway, we got our picture taken already. Hehe.


Pagkagaling sa POO, pahinga ulit ng kaunti tapos nagbeach na kami! Ang ganda ng beach sa Bintan. Parang Boracay minus the strip of bars and shops. Super fine din ng sand and maputi rin. Yun nga lang, malakas ang waves!



Dahil malakas nga ang waves, sa infinity pool na lang kami ng swim. =)


In the evening, nagkaron ng cultural presentation sa may malapit sa poolside. Astig! Ang ganda ng music nila, malapit sa music ng southern Pinas. Soothing pakinggan.


Ang gagaling din ng dancers at magaganda pa! Ang graceful nila, pati yung guys. Hehe.


Bumaba pa ang girls at nilagyan lahat ng nanonood ng flower sa may likod ng tenga, kahit boys! Ito kami ni B:


Nung makaramdam kami ng gutom, we decided na kumain na lang sa Poolside Restaurant.


We ordered Kalasan (ulet!), Sup Iga Sapi (Indonesian version ng nilaga natin, sarap!), at Chinese fried rice. Mali pa yung nasabi ko sa waiter, instead na Chinese eh Chicken fried rice nasabi ko. Aba, kahit wala sa menu, tinanong nila ko if I really want it kasi they can cook it for me. Sabi ko ok na ako sa Chinese flah lahs. =) Ang galing ng customer service! We ordered mocktails for drinks.

Day 2
Kinabukasan, medyo late kami nagising at dumerecho kagad sa Coffeeshop para sa buffet breakfast. Since naexperience na namin ang famed Hilton breakfast noon sa Cebu, mediocre sa aming tingin ang selection ng Nirwana. Walang nagstandout na food pero okay pa rin, lamang tiyan, ika nga.

Ito ang kinain ko:


Rice siempre, beef bacon, potatoes, omellete, salted egg at chicken rendang.

After breakfast, nagikot kami ng resort at nagswim!


Meron silang giant chess set! Check si bebe! Hehe.


Sa mga tamad maglakad, pwede magrent ng ganito. Nakisakay na lang kami. Hehe.


Ang cute ng mga shower! May toad sa taas. Hehe.

Nagcheck out kami ng 12 noon at naglunch muna sa Coffeeshop.


Bebe ate lamb, while I ate this. Seafood yan. I forgot what it's called. Basta masarap!


We left for the Bintan Ferry Terminal mga past 1. Mabilis naman ang check in and immigration. After less than an hour, balik Singapura na ulit!

1 comment:

Reden said...

pwede na pala ako di magsulat ng part 2... hihi!

:)