Wednesday, November 1, 2006

B did a Vince Hizon!

Wala akong kaide-idea sa kung anong mangyayari pagdating ko ng Singapore.

Flight 5J 803 arrived 10 minutes earlier than scheduled. After apat na oras ng byahe, wala akong inaasam kundi makalabas na agad ng airport at umuwi kasama si B. Nagmadali akong maglakad palabas para di naman ako masyadong mahuli sa pila sa immigration.

Pagdating ko sa immigration, medyo nagtagal yung isang lola na ininterview pa ng immigration officer. Buti na lang, employment pass holder yung nasa harap ko kaya pagkascan sa ID niya, pinaalis na kagad siya ng official. Nung ako na, medyo ang dami pang tanong. Pangatlong punta ko na dito sa SG pero kagabi lang ako natanong kung magkano daw ang dala kong pera (sabi ko 200SGD) at kaninong address daw yung nasa disembarkation card ko. Sabi ko my boyfriend's. Tinanong pa kung Singaporean daw si B, sabi ko Filipino.

Nagmuni pa ako muna kung dadaan ng duty free at bibili ng vodka. Pero since wala naman akong SGD, I decided na wag na lang. Sa Pinas na lang kami iinom paguwi ni B.

Ang tagal ng hinintay ko sa carousel. Pero nakita ko na si B. Nakakapraning pag ang tagal lumabas ng luggage eh. Feeling mo may nakadampot na iba. Pero ewan ko na lang kung may katulad pa ang aking orange luggage na may red ribbon. Hehe. Buti naman nakuha ko din eventually after 10 years.

Nung palabas na ako sa Nothing to Declare lane, niridirect ako ng officer sa may machine na pangcheck ng luggage. Go ako although medyo kinabahan dahil may dala akong isang pack ng yosi. Pero opened naman so pinalusot naman ako ni ate.

Pagsilip ko sa labas, aba, nagtaka ako kasi kasama ni B ang buong tropa. Si Rina, Erwin at Nell ang mga una kong nakita tapos meron pa silang hawak na bond paper na may nakaprint na welcome, back at kat. Tigiisa sila ng hawak. Si Rina may dala pang isang long stem na rose tsaka card. Si B naman nakatayo lang sa likod. Pangitingiti.

Paglabas ko eh di yun, sinalubong ako nila Rina. Si B, nakatayo pa rin lang. Inabot ni Rina ang rose at card tapos ay sabi kina Nell na wag daw ako palapitin kay Reden. Nakatingin lang si B sa amin nang naghagis ng rose petals at paper stars si Rina. Sabi ko aba, bakit kaya to nagkakalat? Haha. Tapos out of nowhere, naglatag si B ng white na hanky sa sahig, lumuhod tapos nagsisigawan na sila Rina sa background.

Bigla akong napatingin sa nilabas ni B. Isang maroon na jewelry box.

Binuksan niya tapos tsaran! May singsing! May diamond!

Naiiyak ako na nashock na ewan nung mga panahon na yun at di ko namalayan na nagpropose na pala si B. Ninudge pa niya ako dahil ano daw sagot ko. Apparently, hindi ko pa naibigay ang matamis kong oo. Pero di ako makasalita dahil naoverwhelm ako sa nangyayari--dami nagpipicture, dami nanonood, nagsisigawan pa sila Rina. Napatango na lang ako kay B. Haha. Kinakabahan din siya eh, muntik na niya di maisuot sa akin ang ring. Basta ba naman iaabot ang box?! Haha.

Perfect ang fit ng ring. =)

At ito siya:


Ganda! Paguwi namin ni B ng bahay, pinakita pa niya yung certificate tapos ang galing, may kasama pang viewing scope para daw maappreciate ko yung diamond. True Love ang tawag sa diamond.

Tama ang sabi ni Ems dati, pag nakita mo na yung bato, mapapayes ka na. Hehe.

Pinakwento ko kay B ang ginawa niya. Inemail pa daw niya talaga ang Budget Terminal ng Changi Airport at humingi ng permission. For more information, punta kayo sa blog niya. Hintay na lang kayo ng update niya, kung interested kayo.

Yun lang. Ang aga pa gising na kami. =)


Unang araw sa SG. Yey!

9 comments:

TwistedHalo said...

wow, kat! diz iz rily iz it! congrats sa inyo ni reden! :D

Anonymous said...

wuhoo, panalo sa eksena! i'm so happy for both of you.

ano naman kaya ang gimik ni reden sa kasal proper? hmmm...kaabang-abang!

-jeko

nice said...

yehey! buti nagawa ni reden sa airport, matagal ng sikreto yan. naku love na love ka nyan talaga. cant wait sa wedding nyo! enjoy ur stay in bintan!

Anonymous said...

ahhhhh.... ang saya naman!!! kinikilig ako!!!! I'm sooo happy for both of you. Ayyyy sweeeet ni Reden! hahaha. lovely ring too!- good job reden.

-Madz

Scribbles said...

Yahoo!!!!! Kat, d mo expect noh? Astig si Reden. Hahahaha!!!!

Anonymous said...

hayup si reden sa drama! hahaha, naiimagine ko mukha nya habang nakahintay sa likod=)
- marge

aimee rae said...

Lech, kinilig ako sobra dun! Ganda ng ring mo, Kat. :)

jpa said...

kat, totoo na ba yun? ikakasal ka na? wow, im so happy for you!
:-)

signifiersignified said...

hi kat,
crina to.uyyy ikakasal na siya! am happy for you! mwa mwa mwa