Monday, August 28, 2006

monthly pahed

Sabi nga ni Angelina Jolie sa Girl, Interrupted, "Crazy is you and me amplified."

Pag may PMS ako, crazy ako kaya amplified lahat--lahat ng frustrations, lahat ng fears, lahat ng insecurities, lahat ng isipin, ang pagod, ang stress, ang pageemote, ang paranoia. Talaga naman oo. Ang hirap maging babae, lalo na pag malapit na dumating ang panahon na yun ng buwan.

Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng mahimbing. Ang dami kong naiisip. Hindi ko alam kung PMS pa yun o dami ko lang talagang iniisip.

Di ko naman gusto maginarte. Pero kapag nagp-PMS ka parang yun lang ang feel mong gawin. Yung mga nakakayanan mong dalhin during ordinary days eh parang nagiging overwhelming na lang kapag malapit ka nang maging girl ulet.

Kagabi naiyak na nga lang ako eh.

Siguro nakatulong yung pagiyak kasi paggising ko kaninang umaga back to normal ako. Ready to face the world, ika nga.

Malamang kelangan din maginarte kahit minsan sa isang buwan para marelease mo lahat ng negative energy sa katawan mo. Hindi lang siguro physical ang reason sa likod ng monthly period. Di lang siguro lining ng uterus ang nagsheshed dahil hindi dumating ang hinihintay na sperm cell ng egg.

Siguro pati puso at isip mo nagsheshed din dahil hindi nangyari yung mga inaasahan mong mangyari, hindi dumating yung mga inaasahan mong dumating.

O sha, tama na ang drama. Lunes na lunes eh. Wala ang boss ko at ako ang second in command. Madaming dapat tapusin.

Good morning world! =)

5 comments:

Anonymous said...

Siguro pati puso at isip mo nagsheshed din dahil hindi nangyari yung mga inaasahan mong mangyari, hindi dumating yung mga inaasahan mong dumating.-- and gaya ng period, dadating ang hinihintay when you least expect it and sometimes (usually ako) unprepared ka at hindi handa (walang napkin) =)

magandang umaga kat, the day is beyutipul!

marge

selena said...

Hi kat,

Nakakarelate ako sa post mo, sobra. minsan parang tinetake over-an ka ng monster pag may period ka. nakakapag-isip ka rationally, pero yung tawag ng katawan mo ay magwala ka at umiyak hehehe. lucky yung mga guys kasi they don't go through this, pero malas din sila kasi sila yung nagiging object of aggression teeheehee...

Reden said...

Mahal ko,

Kagabi for some reason, nag inarte din ako, and sinabi ko lahat ng frustrations ko sa work sa mga bagong friends dito. Sabi nga ni Nel, saved me the trip to Optimum's principal's office.

The good thing is after mo magluwal ng sama ng loob, okay ka na nga. Andito lang ako, ako ang iyong shoulder to cry on.

I love you baby and I hope the next days, weeks, months and years would be much brighter for us. I love you!

nice said...

ang kati dito, daming langgam sa kaswitan. hehehe

Lynx said...

Sweet...not all guys understand the nature of PMS-ing =)