I had my annual physical exam yesterday and the doctor found a lump on my right breast. I'm really, really scared.
Nagpaultrasound ako and I watched the images the whole time and magkaiba talaga ang left and right breasts ko. Clear ang left tapos may mga black spots sa right. Hindi nakatulong na nagchuckle and technician nung tinanong ko kung ano yung mga minamark niyang yun. Ewan ko, pero siguro sa tingin niya mas okay na di ko alam kung ano yun. Pero mas gusto ko na alam ko na kung anong haharapin ko.
Naiiyak ako after ng ultrasound pero I tried to hold back the tears dahil kasama ko si B and he told me I have to be strong. Tsaka I just have to be thankful na at least may kakayanan ako magpacheck-up and magundergo ng kung anu-anong medical chorva.
Sa Saturday ko pa malalaman kung anong gagawin--if kailangan bang tanggalin or kung mawawala ba ng kusa or kung anuman. May three days pa akong bubunuin before Sabado so good luck. Medyo nasasad ako pero alam ko I have to go on lang. Hindi naman gusto ng Diyos na huminto ako sa pagwowork or malungkot ako forever. Alam ko I'm going through this dahil gusto Niya maging strong ako. Sabi nga ni B, di ka naman bibigyan nang hindi mo kakayanin.
Buti na lang andito pa si B. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nagkataong nakaalis na siya. Wala pa man din si Mommy tapos si Daddy naman ay nagbabantay sa aunt ko na nasa MMC. She's battling leukemia naman.
I'm praying that this is not something major. Please pray for me too.
******
Yung mga ganitong pangyayari talaga nakakapagpabago ng pananaw mo sa buhay. Kaninang umaga on my way to work, I was trying to absorb everything--lahat ng sounds, lahat ng sights. Kahit yung mundane na mga bagay pinapansin ko.
Hindi pa naman siguro ako kukunin ni Lord, pero pag lang alam mong may mali sa katawan mo at di mo pa alam kung ano yun, sobrang matututo kang iappreciate lahat ng nakikita, naamoy at nafifeel mo ngayon. Nakakatakot kasi eh. Baka, di ba, malay mo, limited na lang pala ang oras mo.
Nasasad ako pero at the same time nilulook forward ko ang mga days na darating. Parang bahala na, gusto ko nang gawin lahat.
Napaisip nga ako kanina eh. Natutuwa ako kasi wala naman akong nireregret sa buhay ko. Nagawa ko naman yung mga gusto ko. Alam naman ng mga taong mahal ko na mahal ko sila. Pinapagsa-Diyos ko na lang lahat. Bigla akong naging aware na may mas malaking being kaysa sa akin at may buong universe na naeexist, hindi lang yung maliit na mundong ginagalawan ko araw-araw.
******
Gusto ko lang pasalamatan ang Baby ko kasi sinamahan niya ako kahapon sa APE ko.
Thank you B, una for convincing me to avail of the APE privilege ng HMO ko at panagalawa, sa pagsama at pangatlo, sa support. I love you!
8 comments:
katzee, I'm praying for you.
- iggy
i'll pray for u too. i hope it's nothing serious...
I'm sure it's nothing. Actually it's a good thing that you found out about it while you're still young, coz there's like a 90 percent chance that it's really not serious. Anyway, will pray for yah
Thanks girlalus! :)
rain, ur back! hope u still remember me
Kaya ka pala nag-leave the other day. Do hope it's nothing serious. Will be praying for you.
it could be nothing at all. had the same procedure, too. ultrasound and all. they found a teeny-weeny lump on the right. no cause of worry daw. just hormonal thingie.
hope u'll be ok :)
ur not dying, dude.
and the doctor said that the scary ones doesn't hurt. that's why it's harder to detect 'em.
it could be nothing at all. had the same procedure, too. ultrasound and all. they found a teeny-weeny lump on the right. no cause of worry daw. just hormonal thingie.
hope u'll be ok :)
ur not dying, dude.
and the doctor said that the scary ones doesn't hurt. that's why it's harder to detect 'em.
Post a Comment