Monday, November 20, 2006

Panalo si Pacquiao!

Dinelay ko talaga ang pagluwas ko kahapon para mapanood lang ang laban ni Manny Pacquiao at Erik Morales. Di ko inakala na maaga pa rin pala ako makakaalis sa Laguna dahil sa loob lang ng tatlong rounds ay umayaw na si Morales.

Nabitin ako sa laban kasi naguumpisa pa lang maging
exciting yung laban, wala pang dugong dumadanak (haha) eh umayaw na si El Terible. Pero masaya ako para kay Manny Pacquiao. This is another triumph for the Pinoys. Naluha nga ako ng kaunti eh. Hehe.

Sana laging ganito kasaya at nakakaproud maging Pinoy. =)

*picture from Inq7

No comments: