Saturday, June 30, 2007

Robots in disguise


Nanood kami ni B ng Transformers. Asteeg! I love Optimus Prime and the Autobots! Hehehe. Ang galing ng effects pero di kagandahan ang plot at napahaba ang movie. Ang sakit na ng pantog ko nung matapos ang pelikula. Halos iniwan ko na si B para lang makatakbo puntang CR. Hehehe. Pero naentertain naman ako so okay pa rin for me ang Transformers.

big girl, small city

Hay nako. Napagod ako sa kakaikot namin ni B (kahapon pa) para maghanap ng pantalon ko. Since nagwowork na ako, kailangan ko ng additional na isang pares. Napakaharabas ng trabaho ko as EA kaya mas gusto ko na nakamaong na lang palagi pagpasok. May times kasi na may mga kopya ng magazines na dapat kong kuhanin from the store room sa kabilang building pa.

Ang hirap maghanap dito ng kakasya sa isang kagaya ko na hindi 29 and below and waistline. Kung may size 30 naman sila, super sikip naman sa hita ko. Walang magandang fit!

Nagpunta kami ni B sa mga European stores pero masyadong mahal para sa akin. Pag tuwing magchecheck kami ng presyo ng mga pantalon, sinasabi na lang namin na pangmatangkad--pangmatangkad ang presyo. Di ako sanay ng bumibili ng maong na worth P3,000!

Hay. Gusto kong magfly pauwi ng Pinas para lang magshopping. Ang hirap neto. Wala akong choice kundi magdiet. Diet is like die with a T.

Potah naman oo. Hehehehe.

Bilib din ako sa mga locals. Ang lalakas kumain pero wala ako masyadong nakikitang mataba. Sadyang nilikha silang payat at maliit ang frame. Samantalang ako, maparami lang ang kain sa isang linggo, tiyak madaragdagan ng ilang inches ang laki ng hita ko. Hehehe.

Hay nako. Buhay ay sadyang ganire.

******

Speaking of harabas maging EA, harabas talaga siya. Grabe. Siguro dahil nagaadjust pa lang ako. After all, three years akong naging editor. Parang bumalik ako sa square one. Medyo suntok sa ego and may mga times na mahirap lunukin na ngayon uutusan ako di para mag-edit primarily, kundi para magdownload ng pictures, magmail ng magazines o CDs, gumawa ng expense claims ng mga bosing etc. Wala namang masama dun, it's just that I didn't really think I had to go through the first step all over again.

Ganito ata talaga ang reality for most people na lumilipat ng ibang bansa. Umpisa ulit sa wala. Swerte siguro yung mga nabibigyan ng chance na mamaintain yung mga trabaho nila from their home countries pag-move nila abroad.

Swerte din naman ako kasi nakakawork ako ngayon. Tsaka di rin naman masama na naeexpose ako sa pasikot-sikot sa isang luxury lifestyle magazine, na halos kagaya rin ng nakagisnan ko sa GS.

I will just do my best to stay focused and just learn everything I can to make myself more marketable at para pag may dumating na magandang opportunity, pwede kong i-grab with confidence. From here, there's nowhere to go but up.

Saturday, June 23, 2007

My Lakbayan grade is C-!


How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

extroversion quotient

How Outgoing Are You?
Extroversion Score : 57
You’re moderate on extroversion.

In today’s workplace, this puts you in the middle regarding this sought-after trait. Introducing yourself, meeting different people and being part of a team are OK for you; you’re not perceived as shy. While you don’t crave the opportunity to lead meetings or initiate contact with unfamiliar people, you can do it if asked. Your personal network is of average size. Generally, though not always, others can read your emotions and know where you stand. You’ll achieve greatest success in jobs -- such as healthcare, legal work, consumer research and quality control -- that offer a mixture of people-contact and solo activity.

You can take the quiz here.

******

I thought I was totally introverted. I guess just in certain situations. Like being in a new workplace.

Shy talaga ako sa una and I prefer to process everything by thinking about it. Sinabihan na nga ako ng boss ko na antisocial daw ako. But of course, he's the fungus on the ass' asshole. Siya ang pinakaantipatikong boss na nagkaron ako. At di siya ang boss boss ha. Utusan siya ng boss. Anyway, hindi pa niya deserve magappear sa blog ko so tsaka ko na siya ikwento.

Nagaadjust pa ako na maging foreigner sa workplace. Kahit na lahat naman sila ay nagsasalita ng Ingles, andun pa rin yung pagkakaiba ng kultura. Wala akong makachismisan kasi di ko (pa) alam sino sa kanila pwedeng itrust, kung meron man.

Despite the culture shock at ass of a boss, I will try my best to remain positively focused. Kailangan ko mag-gain ng experience para makamove forward. I am thankful I got a job.

And more thankful that it's Saturday.


Monday, June 18, 2007

cookie dough in pints


courtesy of my husband. happy happy. =)

finally

I have a job and will be starting tomorrow!

Thank God! He is good.

Friday, June 15, 2007

delicious!


I've always loved the combination of blueberry and cream cheese on cakes but never tried it as palaman sa tinapay. I did today and it was absolutely delicious! Yum yum! =)

Tuesday, June 12, 2007

in sickness and in health...

B was down with a fever last weekend. His throat was sore and he had a terrible headache. We were not able to jog at the stadium. Pero nakapaggrocery pa rin kami nung Saturday ng gabi. Nawala kasi ang lagnat niya tapos bumalik na naman before kami matulog. Natakot kami kasi akala namin dengue. Buong gabi nung Sabado may lagnat si Reden.

Gumaling si B nung Sunday ng hapon. Headache na lang ang naiwan so akala namin okay na siya. Pero hanggang kanina ay masakit ang muscles and joints niya so we decided to have him checed by a doctor.

Sabi ng doctor baka daw may dengue siya. Wala na siyang lagnat, sinat lang pero masakit joints niya. Nagpablood test si B para sure.

Thank God the results came back negative. Kala namin macoconfine pa si B. Super mahal dito. Ang cost ng ward sa Raffles Hospital is equivalent to about 3k pesos per night. Gosh. Baka suite na yun sa atin eh. Niresitahan lang ng doctor si B ng paracetamol at ibuprofen at pinapahinga hanggang bukas.

Nakakaoverwhelm yung fact na I am responsible for him. Ako lang mag-aalaga sa kanya dito. We have friends here but we are each other's only family. Buti na lang he's feeling better. Salamat sa Diyos. =)

the best muffins in the world


B discovered these goodies last week, after he had lunch at Tanjong Pagar. Super sarap. Adik na ako. =)