Tuesday, February 27, 2007

airing dirty laundry in public

Hanggang dito sa Singapore ay nafascinate ang mga Pinoy gaya ko sa mga kasulukuyang pinagdaraanan ni Kris Aquino at James Yap. Sinearch pa talaga namin sa YouTube ang videos ng interview ni Hope sa S-Files at Startalk at ng mag-asawa sa Korina.

Kris said she wants their marriage to work pero nagpainterview pa sila kay Korina at nagpapakahonest about what really happened and what she and Mr. Yap have said to each other. I think couples shouldn't air dirty laundry in public if they want to settle their issues and their marriage to work.

Kris and James may be celebrities pero they can always choose to protect their relationship. Kahit na lumantad pa yang Hope na yan, pwede namang di na pansinin. Obvious naman na medyo loose thread rin ang babaeng ito. Ayaw daw niya manira ng pamilya pero pumatol pa rin siya, kung totoo man ang mga sinasabi niya.

Siguro nga may kasalanan si James and he should probably be put in his place. Pero sana di na pinamukha sa kanya yun sa harap ng mga camera para mapanood pa ng iba. Hindi naman makakatulong yun eh. Napahiya na ng todo ang mama and this could breed resentment.

It's gonna take a lot of work to save this marriage. Based on my own experience, once nawala na ang tiwala, sobrang hirap nang ibalik. Kaya sobrang inaalagaan ko ang trust na ibinigay sa akin ni Reden. After love, I think trust ang pinakamahalaga sa isang relasyon. Sunod ang respeto.

Good luck na lang kay Mr. and Mrs. Kris Aquino.

1 comment:

rach said...

grabe ung nangyari sa kanila noh... as in national TV pa dapat. Hanggang dito nga yan ang usapan... artista talaga si Kris

congrats sa iyong successful na pagdating sa SG... siguradong maraming pagsubok pero masaya kasi magkasama na kayo! :)